-- Advertisements --

Ibinunyag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr na may ilang grupo ng mga retiradong opisyal ng miitary na nagpaplanong patalsikin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Dahil dito ay nanawagan ito sa mga retiradong sundalo na huwag pansinin ang mga imbitasyon na nag-aalok na sumali para sa pagpapatalsik sa pangulo.

Hindi na dapat pagtuunan ng pansin ang nasabing balak ng grupo at sa halip ay bigyang pansin ang mga nagawang pagbabago ng gobyerno sa mga sundalo.

HIndi na nagbigay pa ng detalye si Brawner ukol sa nasabing mga usapin.