Binisita ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Andres Centino ang iba’t-ibang lugar sa Norther Luzon kung saan isinasagawa ang ika-38 Balikatan Exercises ngayong taon.
Unang binisita ng heneral ang isa sa mga Field Training Exercises ng Balikatan 2023 sa nasabig lalawigan kung saan sinalubong siya ni Col. Sadiri Tabutol, ang commander ng Tactical Operations Group 2.
Dito ay binahagian siya ng impormasyon pahinggil sa mga nagpapatuloy na proyekto sa lugar bilang ito ay isa sa mga lugar na napagkasunduang itatag ang dagdag na Enhance Defense Cooperation Agreement sites sa lugar para sa territorial defense at humanitarian assistance at disaster response effort ng AFP.
Kabilang din sa mga binisita ni Centino ay ang Marine Battalion Landing Team-1 ng Philippine Marine Corps at Naval Base Camilo Osias sa San Vicente, Sta. Ana, Cagayan habang binisita rin nito ang 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela na pawang mga kabilang din sa apat na bagong EDCA sites sa bansa.