Binisita ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino ang Pagasa Island sa West Philippine Sea (WPS) nuong Biyernes March 4,2022 at nagsagawa ng inspection sa lahat ng military facilities sa nasabing isla.
Bukod sa Pagasa Island ininspeksyon din ni Gen. Centino ang iba pang government facilities na naka base sa Palawan.
Kasabay ng pagbisita ni Centino sa Western Command (Wescom) pinangunahan din nito ang donning of three-star ingsigna kay Vice Admiral Alberto Carlos, ang bagong commander AFP Western Command.
Itinalaga si Carlos bilang Commander ng Wescom nuong January 21,2022 matapos mag retiro sa serbisyo si Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez.
“This is very significant because we are all here in the most remote deployment of our troops, the valiant defenders of the Philippines’ first frontier,” pahayag ni Gen. Centino.
Ang Pagasa Island ay kabilang sa nine features sa Kalayaan Islands Group na kabilang sa teritoryo ng Pilipinas at sakop ng Palawan’s Kalayaan municipality.
Bago pa nagtungo sa Pagasa Island si Centino, bumisita ito sa headquarters ng Joint Task Force (JTF) Malampaya sa El Nido, na siyang responsable sa pagbibigay seguridad Malampaya gas field.
Nagsagawa din ito ng inspection sa frigate ng Philippine Navy’s BRP Jose Rizal, na siyang nagsasagawa ng patrulya sa West Philippine Sea.
Siniguro ni Centino na suportado ng AFP ang patuloy na modernization program ng Navy.