-- Advertisements --

Matapos kumpirmahin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa susunod na buwan na mag retiro sa serbisyo si AFP chief of staff General Eduardo Año.

Nagsasagawa na ngayon ng deliberasyon ang AFP Board of Generals para sa susunod na chief of staff.

Ayon kay AFP PAO chief, Marine Col. Edgard Arevalo na puspusan ang ginagawang proseso ng BOG.

Pahayag ni Arevalo na kailangan aniya na ang ipu pwesto rito ay kayang pangasiwaan ang buong sandatahang lakas ng Pilipinas.

Pinag-aaralan na ngayon ng board kung sino ang pwedeng maging susunod na lider ng AFP.

Kinumpirma ni Arevalo na naghahanda na rin sila para sa change of command ceremony.

Sa susunod na buwan na magri retiro si Gen Eduardo Año, mas maaga ng apat na buwan sa dapat nitong retirement sa buwan ng Oktubre.

Ang maagang pag retiro ni Año ay para makaupo na agad ito sa bagong pwesto bilang bagong DILG Secretary, alinsunod na rin sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Arevalo kasama sa pinaghahandaan nila ay ang pagbibigay ng briefing kay Año kaugnay sa estado ng buong AFP bago ito umalis at lumipat sa DILG.

Samantala, lahat ng major service commanders ay kasama sa maaaring pagpilian para sa chief of staff.

Pero ang matunog na magiging susunod na AFP chief ay si Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero.