Kinumpirma na ng Philippine Football Federation ang pag-host ng bansa ng ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship 2022.
Para opisyal na magsimula ang kompetisyon ay gaganapin ang draw ceremony sa Mayo 28 para sa torneo na gaganapin sa Hulyo.
Ang taunang torneo para sa women’s national teams ay inorganisa ng AFF mula 2004.
Huling isinagawa ang torneno ay noong Agosto 2018 sa Thailand kung saan nagkampeon ang Vietnam.
Hindi natuloy ang 2020 ang nasabing palaro dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito na ang 12th edition ng torneo kung saan makikita ang paglahok ng 10 ASEAN members na hinati sa dalawang grupo na pinangunahan ng defending champion na Vietnam at runner-up na Thailand.
Nasa Pot 2 naman ang Pilipinas kasama ang Myanmar habang nasa Pot 3 ang Timor-Leste, nasa Pot 4 ang Singapore at Cambodia at Pot 5 naman ang Australia at Laos.