-- Advertisements --
image 209

Nagsagawa ng aerial gunnery at replenishment-at-sea exercises ang mga kalahok na naval ships ng mga Pilipino at Amerikano kaugnay ng Balikatan exercises ngayong taon sa labas ng bayan ng Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan.

Ang aerial gunnery exercise ay isinagawa sa pamamagitan ng pagtulad sa aerial contact kung saan ang mga kalahok na naval ships ay kailangang makapagdetect at maka-engage.

Habang ang replenishment-at-sea ay ang pagsasagawa ng refueling at reprovisioning ng ibang mga sasakyang-pandagat.

Pagkatapos ng mga nasabing pagsasanay, ang tatlong barko ay maglalayag pabalik sa Zambales para sa iba pang mga aktibidad at pagsasanay na nakatakda.

Ang naturang ehersisyo ay bahagi ng “Balikatan” ngayong taon na nagsimula noong Abril 11 at matatapos sa Abril 28.

Humigit-kumulang 17,600 tropa ng Pilipinas at US ang kalahok sa kaganapan na itinuturing na pinakamalaking military exercise.