Magpapatupad ng adjustment ang Dangerous Drugs Board (DDB) sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ni Pang Rodrigo Duterte na lalo pa nitong palalakasin ang kampanya kontra iligal na droga kahit pa man may kaakibat itong international pressure.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay DDB Chairman retired general at Philippine Drug Enforcement Agency director Dionisio Santiago, kaniyang sinabi na may pagbabago silang gagawin upang tuluyan ng matigil ang pamamayagpag sa bentahan ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Santiago na habang tuloy-tuloy ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang kampanya kontra iligal na droga, gagalaw din ang Dangerous Drugs Board para magkaroon ng alternative development.

Sa Kabilang dako, plano rin ng DDB na buhayin muli ang Oplan Tokhang ng PNP pero iibahin na ang pangalan.

Sinabi ni Santiago na epektibo ang nasabing kampanya lalo na sa mga drug user at pusher kung saan mahigpit silang imomonitor ng mga otoridad.