-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actress na si Rhonda Fleming sa edad 97.

Ayon sa kaniyang assistant, dinapuan ito ng pneumonia at nalagutan na ng hininga sa kaniyang bahay sa Santa Monica, California.

Unang nakilala si Fleming sa pelikulang “A Connecticut Yankee in King Arthur’s Court” kasama si Bing Crosby.

Umabot sa 40 mga pelikula ang kaniyang nagawa at tinagurian siyang “Queen of Technocolor”.

Bukod sa pag-arte ay kumakanta rin ito kung saan nakagawa siya ng dalawang album.

Ang unang album ay noong 1950 gospel singing group na The Four Girls kasama si Jane Russel, Connie Haines at Beryl Davis.