Nagpapagaling na ang actress na si Nikki Valdez matapos na operahan ang kaliwang braso ng ito ay maaksidente.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng larawan habang nakaupo sa wheelchair
Hindi naman ibinahagi ng 39-anyos na actress ang sanhi ng nasabing aksidente sa loob ng bahay.

Pinasalamatan nito ang lahat ng mga nagpaabot ng mabilisang pagpapagaling niya dahil sa aksidente.

Ilan kasi sa mga kapwa artista niya na nagpaabot ng agarang paggaling ay sina Sunshine Cruz, Carmina Villaroel, Miles Ocampo, Tony Labrusca at maraming iba pa.