-- Advertisements --
Jessica Alba
Jessica Alba/ IG post

Pinapaimbestigahan na ng beteranang Hollywood actress Jessica Alba ang nasa likod ng pag-hack sa Twitter account nito.

Ito ay matapos na mag-tweet ang hackers ng mga mensahe na bumabatikos sa mga may kapansanan at anti-racists.

Ayons sa actress, sinamantala ng hacker ang pagpapadala ng mga anti-racist at homophobic sentiments noong abala ito sa paggawa ng pelikula.

Matapos ang ilang oras ay agad na nabawi nito ang account at binura ang lahat ng mga negatibong tweet.