Kinumpirma ni Noel Ferrer, talent manager ng actress na si Iza Calzado na positibo sa COVID-19 ang kaniyang alaga.

Ayon kay Ferrer, kahapon lang nila nalaman ang resulta ng ginawang pagsusuri kay Iza, matapos makaranas ng ilang sintomas ng sakit.

Sa kasalukuyan ay bumubuti na ang kalagayan ng aktres ngunit kailangan pa ng ilang laboratory test.

Wala namang natukoy na palatandaan ng COVID-19 sa asawa ni Iza at mga kasama sa bahay.

Gayunman, nagkakaroon pa rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng aktres para ma-monitor din ang kanilang kalagayan.