-- Advertisements --
Ibinunyag ng Hollywood actress Gwyneth Paltrow na dinapuan ito ng COVID-19.
Sa kaniyang social media sinabi nito na nagpositibo ito noong Enero at hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin niya ang epekto.
Isinangguni naman nito sa kaniyang doctor na si Dr. Will Cole at sinabing magtatagal ang nasabing paggaling nito mula sa epekto ng virus.
Dagdag pa ng actress na abala na siya ngayon sa pagkain ng mga masustansiyang pagkain at umiiwas na sa mga matatamis na pagkain ganun din ang mga alak.
Abala na rin aniya ito sa pag-eehersiyo para mapanatili ang magandang kalusugan.