Bella Thorne
Bella Thorne/ IG photo

Nabiktima ng computer hacking ang actress na si Bella Thorne.

Inilabas ng hackers ang mga nude photos nito sa kaniyang Twitter account.

Sinabi ng 21-anyos na model, actress at singer na bago ilabas ang kaniyang larawan ay binantaan na kaniyang ilalabas sa loob ng 24 na oras.

Sinabi pa nito na hindi na siya mapakali dahil tila laging may nagbabantay sa kaniyang mga galaw.

Nagawa pa niyang ipost ang screenshot ng number ng hackers sa kaniyang social media account para mabalaan ang kaniyang mga fans.