William Shatner 1
-- Advertisements --

Sinagot ng actor na si William Shatner ang naging batikos ni Prince William sa isinagaw nitong pagbiyahe sa kalawakan.

Sinabi ng Canadian actor na hindi nakuha ni William ang idea.

Dagdag pa ng “Star Trek” actor na hindi naman talaga ibig sabihin na ang paglipad sa kalawakan ay paglayas sa mundo at sa halip ay kailangan muna maging bilyonaryo ang isang tao para magawa iyon.

Magugunitang sumakay si Shatner kasama ang tatlong iba pa sa Blue Origin rocket na pag-aari ng bilyonaryong si Jeff Bezos at nanatili sa kalawakan ng 11 minuto.

Hindi naman natuwa si Prince William at sinabing dapat gamitin na lamang ang mga yaman sa pag-ayos sa mundo at hindi ang maghanap na lamang ng ibang planeta kung saan titira.

-- Advertisement --