-- Advertisements --

Lubos pa rin ang pasasalamat hanggang ngayon ng actor na si Tony Labrusca matapos na mabasura ang kasong acts of lasciviousness .

Sinabi nito na masaya na siya ngayon at naka-move on na.

Magugunita noong Marso ay ibinahagi ng abogado ng actor na si Atty. Joji Alonso ang resolution na Judge Xavier Paolo Del Castillo na nagsasabing walang matibay na ebidensiya laban sa actor.

Una na ring ibinasura ni Makati City prosecutor Dindo Venturzana ang reklamo kay Labrusca noong Disyembre 22, 2021 dahil sa kakulangan ng ebidensiya.