-- Advertisements --

Ikinasal na ang dating actor at vlogger na si Carlos Agassi sa kaniyang nobya na si Sarina Yamamoto.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng actor-rapper ang mga larawan ng kanilang pag-iisang dibdib noong Agosto 8.

Pawang mga malalapit na kaibigan at kaanak lamang ng dalawa ang dumalo sa nasabing pag-iisang dibdib nila.

Sa walong taon na kanilang pagsasama ay ipinagdarasal ng actor na mabigyan sila ng anak.

Magkasama ang dalawa na kumakanta sa mga kanta parody songs nila na pumapatok sa internet.