-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ng actor na si Enzo Pineda matapos na ito ay gumaling na sa COVID-19.

Enzo IG post

Sa kaniyang Instagram post, pinasalamatan niya ang mga nag-alaga sa kaniya at ang kaniyang amang si 1-Pacman party-list Rep. Enrico Pineda.

Matapos kasi ang pananatili ng ilang araw sa Cardinal Santos Medical Center ay nagnegatibo na ang mag-ama sa COVID-19.

Magugunitang noong Setyembre 5 ng ibunyag ng mambabatas na nagpositibo na ito sa nasabing virus.