Dadaluhan ng mga sikat na singer at artista ang benefit concert na inorganisa ng actor at musician na si Idris Elba.

Isasagawa nito ang dalawang oras na virtual concert bilang pagdiriwang ng Africa day sa Mayo 25.

Ang nasabing malilikom na pondo sa nasabing concert ay mapupunta sa World Food Program at sa UNICEF na sumusuporta sa komunidad sa Africa na apektado ng coronavirus.

Ilan sa mga napiling magtatanghal ay mga sikat na singer sa Africa gaya nina Angelique Kidjo , Sauti Sol ng Kenya, Sho Madjozi ng South Africa at Buna Boy ng Nigeria.

Makakasama rin sina Miss Universe Zozibini Tunzi, rapper Sean Paul at South African comedian Trevor Noah.

Magugunitang unang nagpositibo sa coronavirus si Elba subalit ito ay gumaling na noong nakaraang buwan.

Mayroong mahigit 95,000 ang kaso ng coronavirus sa Africa kung saan aabot sa halos 3,000 na ang nasawi.