-- Advertisements --

Napili bilang ‘sexiest man alive’ ng People’s magazine ang actor na si Michael B. Jordan.

Ang “Black Panther” actor ay siyang pangatlong Black American na napili sa tatlong magkakasunod na taon.

Ayon sa 33-anyos na actor na isang karangalan ang mapabilang sa nasabing titulo.

Nagsimula ang kaniyang career noong bata sa TV shows gaya ng “All May Children” at mula noon ay sumikat na ito sa Hollywood.

Unang sumabak ito sa acting sa pelikulang “Creed” hanggang maging kontrabida sa pelikulang “Black Panther” na pinagbidahan ng pumanaw na actor na si Chadwick Boseman.

Isa ang actor na nagsusulong ng karapatan ng mga Black American sa US.

Magugunitang noong 2019 ay kinilalang sexiest man si John Legend at 2018 naman si Idris Elba.