-- Advertisements --

Pansamantalang nakalaya na ang aktor na si Kit Thompson matapos na ito ay nakapaglagak ng kaniyang piyansa.

Sinabi ni Tanza, Cavite, chief of police, Lt. Col. Rolando Baula, alas-5:00 kaninang hapon nang ito ay makalaya kasunod ng pagbayad na P72,000 na piyansa.

Nitong Marso 18 nang makatanggap ng reklamo ang kapulisan mula sa kaanak ng sexy actress na si Ana Jalandoni dahil umano sa pananakit ni Thompson.

Kaagad nilang pinuntahan ang hotel room na kinaroroonan ng dalawa sa Tagaytay at doon inaresto ang 25-year-old actor.

Una nang sinampahan ng kaso si Kit ng paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence against Women and Children Act.