-- Advertisements --

Pinayagan ng korte sa London na makapaglagak ng piyansa ang beteranong actor na si Kevin Spacey.

Ito ay matapos ang kaniyang unang pagdalo sa korte dahil sa limang kasong kinakaharap niya kabilang ang four counts of sexual assault.

Sinabi ng kaniyang abogado na nabigyan ito ng unconditional bail kung saan kailangan nitong makabalik sa US para sa trabaho at makita rin ang pamilya.

Tiniyak din nito ang pagdalo ng 62-anyos na actor sa susunod na hearing sa darating na Hulyo 14 sa Westminster Magistrates Court.

Sa nasabing pagdinig ay mariing itinanggi ng actor ang alegasyon sa kaniya.

Noong nakaraang buwan kasi ay kinasuhan siya ng four counts of sexual assault ng tatlong lalaki kabilang ikalimang kaso na nauwi umano ito sa sexual activity.

Ang mga kasong kinakaharap nito ay two counts mula sa isang lalaki sa London noong 2005, third count of sexual assault ay sa London din sa ibang lalaki noong 2008 at ang huli ay noong 2013 sa Gloucestershire, western England.