-- Advertisements --

Inirekumenda ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang pangunguna ng National Bureau of Investigation (NBI) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa imbestigasyon sa nangyaring barilan sa Senado noong gabi ng Miyerkules, Mayo 13.

Ayon kay Trillanes, may kakayahan at resources ang mga naturang opisina na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa aktwal na nangyari.

Sa likod aniya ng katotohanang ang mga ahente ng NBI ay kabilang sa mga nagpaputok ng baril, maaasahan pa rin ang naturang opisina na magsagawa ng impartial investigation, sa tulong na rin ng CIDG – mula sa forensic report hanggang sa mismong pag-trace sa mga nangyari bago, habang, at pagkatapos ng barilan.

Wala din aniyang kapasidad ang Office of the Sergeant-At-Arms na magsagawa ng imbestigasyon kung sakaling ito ang atasan ng Senado na mag-imbestiga.

Naniniwala rin ang dating senador na dapat may managot sa nangyaring paglabas ni Sen. Ronald Dela Rosa mula sa Senate premises sa kabila ng pagsasailalim sa kaniya sa Senate costudy.

Kabilang dito aniya sina Senate President Alan Peter Cayetano, Office Office of the Sergeant-At-Arms, at iba pang nakaka-alam sa tuluyang paglabas ng senador.