-- Advertisements --

Itinanggi ng Hollywood actor na si Kevin Spacey ang sexual assault na inirereklamo sa kaniya.

Sa pagharap nito sa korte sa New York, itinanggi ng actor ang alegasyon noon ng 14-anyos na biktimang si Antony Rapp na siya ay minolestiya noong 1986.

Nais lamang umano siyang perahan ng biktima kaya humihingi ito ng $40 milyon bilang damyos.

Bago ang pagdalo nito sa korte ay ibinasura na ng judge ang isang kasong na isinampa ni Rapp.

Magugunitang inireklamo ng 50-anyos na si Rapp noong 2020 laban kay Spacey.

Rapp ay isa ring actor na gumanap sa Star Trek Discovery.

Kuwento ng biktima ng 14-anyos pa lamang siya noon habang nasa edad 26 o 27 ang actor ng makilala niya ito sa isang pagtitipon sa apartment nito sa Manhattan.

Noong nakaraang linggo ay tinanong ng judge kung nagsisinungaling si Rapp subalit iginiit nito na totoo ang mga nangyaring pang-aabuso sa kaniya ng actor.

Magugunitang isa rig reklamo ang kinaharap ng actor na noong 2016 ay hinipuan niya umano ang 18-anyos na dalaga sa Massachusetts subalit napatunayan ng abogado nito noong 2019 na imbento lamang ng biktima ang mga alegasyon nito.