Reading Time: 1 minute
Kevin Hart
Kevin Hart/ IG post

Nakalabas na ng pagamutan ang actor na si Kevin Hart matapos na ito ay ma-ospital ng masangkot sa aksidente noong nakaraang mga Linggo.

Ayon sa kampo ng komedyante, na sasailalim pa ito sa physical therapy para tuluyan itong gumaling.

Maguguntang noong unang Linggo ng Setyembre ay nabangga ang kotse ng actor sa Los Angeles.

Nagtamo ito ng 3 spinal fractures at maging ang kaniyang driver ay sumailalim na rin sa operasyon.