Andrew Jack
Andrew Jack

Pumanaw na ang actor na si Andrew Jack matapos dapuan ng coronavirus sa edad 76.

Ayon sa kaibigan nito na si Jill McCullough, hindi na nito nakayanan ang kumplikasyon mula sa COVID-19 habang ito ay nasa pagamutan ng London.

Hindi na nito nakasama ang asawa dahil ito ay naka-quarantine sa Australia.

Bukod sa pagsama sa pelikulang ‘Star Wars’ ay naging dialect coach din ito sa mga artista.

Kinuha siyang maging dialect coach sa bagong ‘Batman’ na pinagbibidahan ni Robert Pattinson.

Ilan sa mga naging dialect coach nito ay sa pelikulang “Avengers: Endgame” , “Robin Hood”, “Sherlock Holmes” , “Lord of the Rings” , “Captain America” at maraming iba pa.

Nakasama niya sa mga pelikula sina Christian Bale, Robert Downey Jr at iba pa sa loob ng 30-taon sa kaniyang career.