-- Advertisements --
Adam Bond
Adam Bondh/ IG post

Ibinahag ng British-American actor Adam Bond kung paano nito nalagpasan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinabi nito na nasa Malaysia ito noong Marso at pinayuhan siya na magpasuri.
Lumabas sa pagsusuri na positibo ito kahit na ito aasymptomatic.

Nanatili ito ng tatlong linggo sa isolation room sa nasabing bansa.

Para mawala aniya ang pangamba at kalungkutan nito ay nagdasal lamang ito hanggang tuluyan itong makalabas mula sa isolation room.

Nakilala ang actor sa pagganap nito bilang si Hesu Kristo sa pelikulang “Finding Jesus” .