Naglabas ng ilang action points ang National Economic and Development Authority (NEDA) para maiangat ang global innovation rank ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay NEDA acting Sec. Karl Kendrick Chua, may short at long term plans ang gobyerno sa nais nitong maabot.

Sa ngayon kasi ay nasa ika-70 rank lang ang Pilipinas mula sa 131 na mga bansa sa Global Innovation Index 2020.

Nais ng NEDA na makaakyat ang ating ranking sa 40 sa 2022.

Kabilang sa hakbang ng pamahalaan ay palalawakin ang technology adoption sa iba’t-ibang sektor, gayundin ang pagdagdag sa investment sa Science Technology and Innovation based startups at enterprises, dagdag na alokasyon sa human resource development at maging sa infrastructure development.

-- Advertisement --