-- Advertisements --

Inakusahan ni Sri Lanka acting President Ranil Wickremesinghe ang pinalitan niyang administrasyon ng pagtatago ng mga impormasyon tungkol sa mga krisis pinansiyal.

Sinabi nito na hindi inamin ng dating pangulong Gotabaya Rajapaksa na ang kaniyang gobyerno ay bankrupt.

Pagtitiyak nito na sa mga mamamayang Sri Lanka na kaniyang gagawin ang makakaya para lamang maibalik ang sigla ng ekonomiya ng kanilang bansa.

Pansamantala lamang siyang mamumuno sa bansa hanggang tuluyang pumili ang parliyamento ng kanilang maiuupong pangulo sa Hulyo 20.