Buhay pa ang tsansa ng Alaska Aces para sa playoffs matapos na tambakan ang Barangay Ginebra 89-75 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup.

Sa simula pa lamang ng laro ay hawak ng Alaska ang kalamangan kung saan naitala ang 23-8 sa pagtapos ng first quarter.

Dahil sa panalo ay nalampasan na ng Aces ang Ginebra na mayroong tatlong panalo at apat na talo para sa elimination round.

Nasa pang-siyam na puwesto naman ang Ginebra na mayroong apat na panalo at anim na talo na nanganganib ang tsansa nila para makapasok sa quarterfinals.

Bumida sa panalo si Abu Tratter na nagtala ng 13 points habang mayroong 11 points si Mike Digregorio.

-- Advertisement --

Mayroon naman na tig-10 points sina Robbie Herndon, Barkley Ebona at Jeron Teng.