Pinalaya na mula sa pagkakulong sa Senado ang umano’y accountant ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na si Nancy Gamo nitong Lunes.
Si Sen. Robin Padilla ang gumawa ng mosyon na palayain si Nancy Gamo sa kustodiya ng Senado sa pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality.
Pinasalamatan naman ni panel head Sen. Risa Hontiveros si Gamo sa pakikipagtulungan nito at binanggit na malaya na ito sa hurisdiksyon ng komite bago suspindihin ang pagtatanong.
Matatandaan, si Gamo ay inaresto ng Sergeant-at-Arms ng Senado noong kalagitnaan ng Hulyo matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.
Sa pagdinig ng kamara noong Lunes, inamin ni Gamo na freelance accountant siya at tinulungan niya si Guo sa pagkuha ng incorporation paprers para sa kanya at sa mga kumpanya ng kanyang pamilya noong 2012 at meron din aniyang ibang corporations, kabilang ang 2 Pogo companies.