Nais ni Senator Nancy Binay na gawing permanente ng mga telecommunication companies ang access ng mga estudyante at guro sa online platform ng Department of Education (DepEd).
Ibig sabihin nito na kahit walang data ang mga mag-aaral o guro ayt pwede nilang buksan ang mga online learning platform ng ahensya.
Noong Abril ay inanunsyo ng DepEd na ang mga guro at estudyante mula sa publc at private schools, kasama na yung mga nasa Alternative Learning System (ALS), ay magkakarron na ng access sa DepEd Commons na hindi kailangang gumamit ng data.
Ang hakbang na ito ay para umano siguraduhin na magpapatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan kahit nasa gitna pa ng health crisis ang bansa.
Sinabi naman ni DepEd Sec. Leonor Briones na mayroon nang temporary agreement ang education sector sa mga telcos ukol sa naturang paksa.
Nakahanda namang tumulong ang senado para maging permanente ang kasunduan sa pagitan ng DepEd ang telcos. Pwede raw kasi na gawin na lamng ito bilang corporate social resposibility ng mga kumpanta dahiul malaking tulong ito para sa magulang.