-- Advertisements --
Ibinahagi ni Phoenix Fuelmaster forward Calvin Abueva ang ginagawa nito para tuluyang makabalik na sa paglalaro sa PBA.
Sinabi nito na natapos na ang ilang mga pinapagawa sa kaniya ng PBA board para mabawi na ang suspension niya.
Ilan sa mga natapos na nito ay ang paghingi niya ng apology sa Board at sa mga PBA fans.
Dinoble din nito ang pinapagawang community service dahil oportunidad na din daw nito ang makatulong sa ibang mga tao.
Sumailalim din ito sa drug test at mayroon pang natitirang dalawang session sa kaniyang psychologist.
Magugunitang pinatawan ng indefinite suspension si Abueva matapos na pananakit nito sa import na si Terrence Jones at ang pambabastos umano sa kasintahan ni TNT KaTropa Ray Parks.