CEBU CITY- Arestado ang isang miyembro ng Abu Sayaf sa isinigawang joint operations ng Philippine National Police, Intelligence Group-Regional Intelligence Unit 7(IG-RIU7), Military Intelligence Group (MIG-7), Regional Intelligcen Unit9 (RIU9) and Regional Intelligence Division 7, Labason Municipal PS at Zamboanga Del Norte Police Provincial Office sa MJ Cuenco St. Brgy. Tinago lungsod ng Cebu.
Kinilala ang nahuli na si Jimmy Igpit Marababol, member ng Daulah Islamiyah Terrorist Group.
Huli si Marababol sa pamamagitan ng warrant of arrest sa kasong kidnapping and serious illegal detention.
Napag-alaman na noong 2018 pumunta si Marababol sa Sulu, ngunit matapos umanong namatay ang lider ng grupo nito na si Jamilon WAhab at Black Moro bumalik ito sa Cebu at nagtago.
Siya rin ang prinicipal suspect sa pagdukot ni Jelster “Jade” Quimbo ang anak ni Labason , Zamboanga Mayor Eddie Quimbo noong Sept. 6,2017 kung saan nagbigay ng P10-M ransom money ang pamilya Quimbo ngunit hindi umano na release si Jade.
Noong nakaraang taon ika-30 ng Disyembre na-release si Jade matapos nagbigay ng P13-M ransom money ang pamilya.
Nasa kustodiya na ito ngayon ng Regional Intelligence Unit-7 para sa documentation and disposition.