Sa Kongreso pa rin nakasasalay ang magiging kahihinatnan ng pagbibigay ng panibagong prangkisa ng ABS-CBN Corporation.
Ito ang naging pahayag ni Sen. Panfilo Lacson, dahil maari naman aniyang mapalawig ang existing franchise ng network sa pamamagitan ng joint o separate resolution na maaring pagtibayan ng kahit alinman sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
“While a franchise renewal or approval rests on the Congress by way of legislation, subject to the concurrence or veto by the president, an extension of the existing franchise by way of a joint or separate resolutions adopted by either or both houses of Congress has no existing jurisprudence as far as I know,” wika ni Lacson.
Pero naniniwala ang opisyal na magandang “test case” ito para sa Korte Suprema na desisyunan ang kaso ng ABS-CBN, para sa mga usaping may kahalintulad na isyu sa hinaharap.
Muling iginiit ng ilang senador na maaring mag-isyu ang NTC ng provisional authority sa ABS-CBN para magpatuloy ng kanilang operasyon dahil ginagawa na aniya ito dati pa.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kada taon naman aniya ay nagbibigay ang NTC ng provisional authority sa mga nag-a-aaply at sa mga malapit nang magpaso ang prangkisa.
“It’s very clear that the NTC may give provisional authority to those applying for franchises and their franchises have expired,” pahayag ni Zubiri sa teleconference.
“I do not see any reason why they should not do so,” dagdag pa ng mambabatas.
Samantala, sinabi naman ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na natalakay na umano noon ang tungkol sa pagbibigay ng provisional authority ng NTC sa ABS-CBN.
“That issue has been settled during our hearings. I expect the NTC to allow [ABS-CBN] to continue to operate until Congress makes a final decision regarding franchise within this Congress,” sabi ni Recto.
Nauna na ring sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may sapat na basehan para payagan ang mga broadcast company na magpatuloy ng operasyon habang hinihintay ang renewal ng kanilang prangkisa.
“Congress has expressed the same opinion and it has support in past legislative and executive practice,” ani Angara.
Bago bakasyon ang Kongreso noong Marso, pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na naglalayong bigyan ng provisional permit ang ABS-CBN para sa kanilang patuloy ng operasyon.
Ang Kamara naman ay sumulat sa NTC para payagan ang pagpapatuloy ng operasyon ng ABC-CBN habang hihihintay na desisyunan ng Kongreso ang aplikasyon ng franchise renewal nito.
Maging ang ibang kongresista ay sinang-ayunan ang pahayag ng mga senador sa usapin ng nasabing media network.