Hindi rin nakaligtas sa epekto ng krisis sa panahon ng pandemic ang isa sa pinakamalaking kompaniya sa Pilipinas na Aboitiz Group.
Sa isang statement inamin ng isa sa largest conglomerates ang kanilang desisyon na magtanggal na rin ng mga manggagawa dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo.
Nagpaliwanag ang kompaniya na malungkot nilang inanunsiyo na ilang team members ang apektado ng kanilang rationalization sa workforces.
Magtatapos umano serbisyo ng kanilang mga manggagawa sa July 31, 2020.
Hindi naman inamin ng Aboitiz kung ilan lahat ang mawawalan ng trabaho.
Pero tiniyak naman ng kompaniya na makakatanggap ang mga ito ng substantial separation package habang nasa transition period.
Mahirap umano ang kanilang desisyon pero, kailangang gawin upang maka-survive sa panahon ng worldwide health crisis.
Ang Aboitiz Group ay may mga kompaniya sa power, food, banking, infrastructure, land, at construction business units.
Kabilang na rito ang major firms na Aboitiz Power Corp., Aboitiz Land, Aboitiz Infracapital, Pilmico Foods Corp., at Union Bank of the Philippines.
Ang holding firm nito ay ang Aboitiz Equity Ventures Inc.
“Part of the review is the rationalization of its workforce, where, regrettably, several team members will be affected by their service ending on July 31, 2020,” bahagi pa ng statement ng company. “This was not an easy decision for the Aboitiz Group to make but one that had to be done as it has not been spared by the health and economic crisis.”