-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Naglunsad na ng hot pursuit operation ang Iligan City Police Office matapos ang ambush attempt kay Atty. Ranulfo Cenas, hepe ng Iligan City Environment and Management Office.
Sinabi ni Joe Pantoja, Information Officer ng konseho, na dalawang lalaki na nakamotorsiklo ang bumaril kay Atty. Cenas subalit hindi naman ito natamaan.
Ayon sa mga nakasaksi, babarilin na sana ng isa pang gunmen ang biktima subalit nahulog ang magazine ng kanyang short firearm.
Naniniwala si Pantoja na ang mahigpit na batas laban illegal quarry ang posibleng dahilan sa ambush attempt hepe ng City Environment and Management Office.