-- Advertisements --

Hihilingin ng abogado ni R. Kelly sa korte na palayain sa federal custody.

Ito ay dahil hindi pa siya handa para sa papalapit ng pagdinig sa halos anim na buwan.

Mula kasi noong Marso ay hindi nakita ng singer ang abogado nito matapos magpatupad ng prison lockdowns para hindi kumalat pa ang coronavirus.

Magsisimula na ang kasi ang pagdinig ng kaso nito sa katapusan ng Setyembre sa federal court sa Brooklyn na naantala noong dahil sa coronavirus pandemic.

Saad ng knaiyang legal team na dahil hindi makapagsulat at makapagbasa ang singer ay hindi nito kayang pag-aralan ang kaniyang kaso.

Ito na ang pang-anim na paghirit ng kampo ng singer mula ng ito ay ilagay sa federal custody.

Nahaharap sa kaso ang singer sa New York ng violation of the Mann Act na nagbabawal sa trafficking of prostitution or sexual activity.

Ang nasabing kaso ay nangyari pa ng mahigit dalawang dekada sa New York, Connecticut, Illinois at California.