Sa kabila ng maayos na sistema sa botohon ngayong araw ng halalan, nakaranas pa rin ng aberya ang ilang vote counting machine sa Dapitan City partikular ang Larayan Elementary School.
Nakaranas ng paper jam ang mga VCM.
Alas-6:00 ng umaga kanina ng magsimula ang botohan sa nasabing paaralan.
Maayos ang sistema kung saan pagkapasok ng mga botante sa premises ng paaralan ay deretso sila sa kanilang holding area kung saan sila pinauupo habang naghihintay na makapunta sa kani-kanilang cluster precinct.
Habang nasa holding area kinukuhanan sila ng temperature.
Ayon kay Mr. Bobbie Gurabot, District Supervisor Official, strikto nilang ipinatutupad ang minimum heath standard sa loob ng mga polling precints.
Sinabi ng opisyal na mayruong anim na regular line, at may linya din na nakalaan para sa mga senior citizen at PWDs.
” Pagdating po nila sa line na nakaupo, tsinitsek po nila ang temperature for the second time kasi doon tsinek na po tapos kapag vacant na doon sa polling place ‘yong EB natin, support staff dadalhin doon by batches of 5. We started on time ‘yong Electoral Board natin at support staff they arrive earlier, they test the machine and by 6:00 o’clock nagstart talaga tayo,” wika ni Mr. Gurabot.
Dahil sa nasabing sistema, naiwasan ang pagkumpol kumpol ng mga tao sa mga polling precint.
Naglatag din n mga upuan ang eskwelahan para sa mga botante ng sa gayon maging komportable ang mga tao habang naka pila para bumuto.
Sa isang panayam, ayon kay Ginoong Benigno Carsido, maaga siya nagtungo sa poll centers para maagang matapos, dahil kung hihintayin pa ang hapon lalong matatagalan.
“Dapat maaga para maagang makaboto at maagang makatapos. Kung mamayang hapon pa, matatagalan na,” wika ni Mr. Carsido.
Ayon naman sa botanteng si Josephine Baje, maaga sila pumunta sa poll centers subalit lalo silang natagalan, gayunpaman okay na rin ito sa kanila dahil hindi masyadong maraming tao.
” Maaga kami dito pero di gaya noon na alas-7:00 pa lang tapos na kami. Ngayon medyo natagalan pero okay lang kasi hindi pa naman din masyadong matao,” pahayag ni Baje.
Inaasahang mabilis matapos ang botohan dito sa Larayan Elementary School dahil bukod sa tatlong cluster precincts lang ang nandito, wala ding aberya ang ginagamit na mga vote counting machines dito.
Nabatid na sa kalapit na bayan ng Piñan sa Zamboanga del Norte nasa 11 vote counting machines ang nagka-aberya.
Madalas na pinoproblema ng mga vote counting machines ang paper jam dahil sa overheat.
Apat na barangay naman dito ang nakaranas ng isang oras na brownout pero agad pa rin namang nakapagsimula ang botohan sa mga lugar na ito dahil sa standby battery.
Ayon naman sa Commission on Elections (COMELEC) posibleng hahaba ang oras ng botohan dahil sa pag-o-overheat ng mga vote counting machines na kailangan pang palamigin.