Bakas ang kaligayahan ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano matapos maturukan na ng unang dose ng bakuna laban sa COVID (Coronavirus Disease).

Iya hubby 2
Iya vaccinated 5

Kabilang ang 34-year-old actress at 41-year-old TV host sa ceremonial vaccination para sa A4 category (economic frontliners) na isinagawa sa Pasay City kaninang umaga.

Mismong si Health Sec. Duque ang nagturok ng COVID vaccine sa mag-asawa.

Nabatid na sakop sina Iya at Drew sa entertainment sector na matatandaang isa sa mga labis na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Ngayong may proteksyon na sa deadly virus, looking forward daw si Iya sa mga matatanggap na benepisyo mula sa gobyerno sa oras na makompleto na ang ikalawang dose kontra COVID-19.

Sa ngayon ay mayroon nang tatlong anak ang mag-asawang TV host kung saan kilala si Iya sa patuloy na workout routine o pag-ehersisyo kahit buntis.