Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga iniiwang patay ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel Defense Forces, at militanteng grupong Hamas.
Ito ay matapos na umakyat na sa humigit-kumulang 1,900 na mga indibidwal ang namatay sa kasagsagan ng naturang sigalot sa pagitan ng dalawang panig.
Kabilang sa naturang bilang ay ang nasa 614 na mga bata at 370 na mga kababaihan.
Ang mga ito ay kapwa nasawi sa loob ng pitong araw na digmaan at pagpapakawala ng mga airstrike sa lugar.
Bukod dito ay umakyat na rin sa 7,696 na mga indibdiwal ang naitalang sugatan mula sa nagpapatuloy na kaguluhan.
Kung maaalala, kamakailan lang ay nagbigay ng direktiba ang Israel na i-repatriate na ang nasa 1.1 million na mga indibdiwal sa Gaza sa loob ng 24 oras.
Ito sa gitna ng plano ng Israel na lipulin ang militanteng grupong Hamas