Nais ng Department of Health (DOH) na makipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa deployment cap o limit sa pagpapahintulot na makapagtrabaho sa ibang bansa ang mga healthcare workers.
Sa pagdinig sa Senado, inihayag ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi nakonsulta ang DOH sa pagpapatupad ng 7,000 deployment cap para sa mga healthcare workers kung saan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang nagtakda ng cap.
Inamin naman ni Vergerie na hamon sa kanilang kagawaran ang pangingibang bansa ng mga healthcare workers kaya naman nais nilang makipagtulungan sa ibang mga ahensya para magkaroon ng rasyunal na direksyon sa deployment ng mga healthcare personnel ng bansa.
Makipagpulong ang opisyal sa mga kinauukulang ahensiya para talakayin ang nasabing suliranin.