Hinihiling ngayon ng Twitter Inc. na bumalik sa trabaho ang ilang mga natanggal nilang workers.
Ito’y matapos tanggalin ng Twitter Inc ang humigit-kumulang kalahati ng mga tauhan nito noong Biyernes kasunod ng $44 bilyon na pagkuha ni Elon Musk, nakikipag-ugnayan na ngayon ang kumpanya sa dose-dosenang mga empleyado na nawalan ng trabaho at hinihiling sa kanila na bumalik.
Napag-alaman na ang ilan sa mga hinihiling na bumalik ay hindi sinasadyang natanggal.
Ang iba ay pinakawalan bago napagtanto ng management na ang kanilang trabaho at karanasan ay maaaring kailanganin sa pagtatag ng bagong features ng Musk envisions.
Nauna nang nag-tweet ang ilang mga staff ng social media company na kabilang sa tinanggal ay ang mga responsable sa mga komunikasyon, content curation, karapatang pantao at machine learning ethics gayundin ang ilang mga product at engineering teams.