-- Advertisements --

Ikinokonsidera ng halos kalahati o 48% ng pamilyang Pilipino ang kanilang sarili na mahirap sa ikatlong quarter ng 2023 base sa resulta ng survey mula sa Social Weather Stations (SWS).
Ito ay tumaas mula sa 12.5 million noong June sa 13.2 million noong Setyembre.
Habang nasa 27% naman ang itinuturing ang kanilang sarili na nasa borderline o sa pagitan ng mahihirap at hindi mahihirap at 25% naman ang itinuturing ang kanilang sarili na hindi mahirap.
Ang mga self-rated poverty ay tumaas sa Mindanao mula sa 54% sa 71%.
Nasa 1.8 million pamilyang Pilipino naman ang bagong mahihirap.










