-- Advertisements --

Nakuha ng Talk ‘N Text Tropang Texters ang unang puwesto sa PBA Governor’s Cup quarterfinals matapos ilampaso ang Barangay Ginebra 114-105.

Nanguna sa panalo si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 34 points, 11 rebounds, apat na assists at apat na steals at mayroong 22 points si Roger Pogoy.

Umarangkada lamang ang TNT sa huling minuto ng mga laro.

Ibinahagi ni TNT coach Jojo Lastimosa na hindi sila nag-panic kaya naungusan ang Gins.

Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Justin Brownlee para sa Ginebra.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 10 panalo at isang talo ang TNT habang ang Ginebra ay mayroong walong panalo at tatlong talo.