-- Advertisements --
Matapos ang dalawang season na paglalaro sa Adelaide 36ers sa Australia ay pumirma ng kontrata sa Japan Basketball League si Filipino basketball star Kai Sotto.
Inanunsiyo ng koponang Hiroshima Dragonflies ang pagkuha nila kay Sotto para sa 2022-23 B. League.
Matagal na aniyang binabalak ng koponan na kunin si Sotto at ng kanilang mapapayag ito ay lubos ang kanilang kasiyahan.
Ang 7-foot-3 center na 20-anyos na si Sotto ay isa lamang sa mga Filipino basketball players na naglalaro na ngayong sa Japan gaya nina Bobby Ray Parks Jr, Thirdy Ravena, Dwight Ramos, Kiefer Ravena, Matthew Wright at Carl Tamayo.