
Nakatanggap ng dalawang delivery truck ang agrarian reform benificiaries organizations (ARBOs) mula sa Department of Agriculture upang matulungan silang maihatid ang kanilang mga produkto at maaring magkaroon ng karagdagang kita para sa kanilang orginasyon.
Ang farm machinery, na nagkakahalaga ng PHP570,000, ay alinsunod sa direktiba ni DAR Secretary Conrado Estrella III na mapabuti ang kabuhayan ng mga ARB.
Ang mga tatanggap ng delivery trucks ay ang Greeners Multi-purpose Cooperative mula sa munisipalidad ng Bambang, at Villaverde Development Cooperative mula sa bayan ng Villaverde.
Ayon kay Rustico Turingan ang OIC-Provincial Agrarian Reform Program Officer II, ang mga trak umano ay makakatipid ng oras, pagod, at pera para sa kooperatiba dahil nareresolba nito ang pangangailangang magrenta ng mga sasakyan upang agad na maihatid ang mga produktong pang-agrikultura sa mga pamilihan at mamimili sa oras.
Ang mga trak ay ibinigay sa pamamagitan ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program, isang inisyatiba ng gobyerno, na naglalayong mabawasan ang gutom, tiyakin ang seguridad sa pagkain, at magtatag ng sustainable agriculture sa bansa.
Aniya, sa ilalim ng programang ito, ang mga ARBO ay naka-link din sa mga institutional buyers, ahensya ng gobyerno, at iba pang mga consumer para mag-supply ng kanilang mga produktong pang-agrikultura.









