-- Advertisements --

Inilagay ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) ang Luzon power grid sa yellow alert nitong hapon ng Martes matapos na ilang coal-fired power plants ang pwersahang nag-shut down.

Nakataas sa yellow alert ang isang power grid kapag mas mababa sa ideal levels ang reserba ng suplay ng kuryente.

Sa isang statement, iniulat ng NGCP na nasa kabuuang 1,592 megawatts (MW) ang nabawas mula sa grid sanhi ng forced shutdown ng coal plants.

Kabilang dito ang 460-MW Quezon Power Phils. Ltd. plant, Southwest Luzon Power Generation Corp.’s units 1, 3 and 4 (200 MW total), GNPower Mariveles Energy Center Ltd. Co. (GMEC) units 1 and 2 (632 MW) at ang 300-MW SEM Calaca Power Corp. (Calaca) unit 2.

Hindi naman inilahad ng grid operator ang dahilan ng pwersahang shut down ng mga plant. Nakatakda namang maglabas ng pahayag ang Department of Energy sa naturang aberya sa mga planta.

Nauna ng isinailalim ang Luzon power grid sa red alert ng isang beses habang inilagay ito sa yellow alert ng tatlong beses noong araw ng Sabado, June 18.

Nasa 1.6 million na siniserbisyuhan ng Luzon power grid sa bahagi ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, Batangas at Cavite ang naapektuhan.

Top