-- Advertisements --

b2

Hirap ng makapasok sa bansa ang mga banyagang terorista gamit ang southern backdoor.

Ayon kay AFP Chief of staff Gen. Cirilito Sobejana, ito ay dahil sa pinalakas na security defense posture na ipinatutupad sa tri boundary ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia.

” Meron na tayong magandang mechanism, maganda na yung security posture natin diyan sa ating tri boundary with Malaysia and Indonesia sa south so wala na tayong namomonitor,” wika ni Gen. Sobejana.

Kinumpirma din ni chief of staff na wala rin silang namonitor na presensiya ng mga foreign terrorist sa Sulu.

Kamakailan, napatay ng mga sundalong army ang Egyptian suicide bomber sa kanilang latest military operations.

” Yun na lang Anne, ang nag-iisang foreign terrorist na na nuon pa man ay hinahanap natin at ngayon nga kahit may inaatupag na problema sa West Philippine Sea, tuloy-tuloy po yung ating operations against the local terrorists goup such as the Abu Sayyaf, BIFF at other terror groups, without also losing sight sa ating campaign sa communist terrorist group,” pahayag ni Sobejana.

Binabantayan din ng militar ang mga Pinoy ASG members na naengganyong maging suicide bombers sa Sulu.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng 11th Infantry Division at Joint Task Force Sulu sa mga teroristang Abu Sayyaf sa probinsiya.

Una ng Sinabi ni JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales, naputol na ang financial support ng Abu Sayyaf sa International Foreign Terrorist kaya hirap ang ASG ngayon sa resources.

Sa Central Mindanao patuloy ang pagtugis sa Singaporean terorist na si Muhamad Ali Abdul Rahiman alias Muawiyah.

Si Muawiyah ay kasama ni Zulkifli Bin Hir alias Marwan na napatay ng mga miyembro ng PNP SAF sa Mamasapano, Maguindanao.