CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang truck helper sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Rex Apolinario Herbilla, may asawa, residente ng Sitio Lutao, Barangay San Vicente, Makilala, North Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakatayo lamang ang biktima habang nagpapaayos ng gulong sa isang vulcanizing shop sa Purok 12, Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato nang ito ay biglang lapitan ng mga naka-bonnet na suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan sa isang motorsiklo.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ito ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.
Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pagpaslang sa biktima at patuloy pa puspusang pag-iimbestiga.
















