-- Advertisements --
Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Head Bong Nebrija na isang panonobatahe sa kanila ang pag-iwan ng karton na inakalang may laman ng bomba.
Sinabi nito na maaring sinadya ng hindi pa kilalang mga suspek ang paglagay ng karton sa kahabaan ng EDSA para palalain ang kalagayan ng trapiko sa lugar.
Handa rin nitong kasuhan ang nasa likod ng insidente sakaling matukoy na nila ang mga ito.
Magugunitang nagdulot ng matinding trapiko nitong Biyernes ng umaga matapos na ang iniwang kahon ay may lamang bomba at ng tignan ay puno ito ng mga styrofoam.










